I was gonna write it like this…
Nagtatalop lang naman ako ng
kamote bakit may pakanta-kanta pa noh? Just tryna nail the pronunciation, I
guess. Or para hindi ko ma-feel na magbabasa sana ’ko ng libro pero kamote muna
raw, sabi ni nanay. π
But here’s how it actually went
down...
Habang kumakanta ako at nagbabalat
ng kamote, biglang sumulpot si little sis at binasag ang moment ko para itanong
na: 'Is it okay to not simplify circumference with 3.14 for pi?' Kailangan niya
raw i-verify kasi hindi accurate yung ni-report ng classmates niya kanina. Nagtatalop
lang ako rito pero sa rami ng rants niya, mas kabisado ko na yung value ng Pi
kesa sa lyrics ng kinakanta ko eh.




