Friday, January 16, 2026

S-Rank solitude


Pag napapansin ko na sobrang seryoso ko na, I just listen to music and sing along. I thought it was just about getting into a better headspace. Ngayon ko lang nagets, para pala 'kong hinihigop ng music papunta sa paborito kong spot.

I just close my eyes and I’m in this huge field of grass yung sobrang lawak, puro puno lang ang tanaw mo, tapos nakahiga ka lang sa damuhan habang ramdam na ramdam mo yung lamig ng hangin.

Okay din naman isipin na may kasama, pero iba pa rin kasi yung saya kapag komportable ka kahit ikaw lang mag-isa. Yung state na wala ka nang gustong baguhin sa moment na yun.

My father used to say that love for someone special only works if you're actually okay with being alone first. Yung hindi mo ginagamit yung ibang tao bilang distraction sa boredom mo.

No comments:

Post a Comment

if this is me being unserious

  Oct 14 Nag-experiment ako kahapon. Sinubukan kong magpuyat hanggang alas-kwatro ng madaling-araw para matantya ‘ko yung energy ko. Napa...